Hong Kong in Under 18,000 PHP

Itineraries

DETAILED TRAVEL GUIDE

Day 1 – 2:00 AM
➡️ Gora na beshy sa airport, para medyo antok pa ang mga beshy nating IO. HAHA. JK! The earlier, the better kasi less lines, tapos mabilis ang galaw ng mga bagay-bagay.
➡️ Bayad ka muna ng travel tax, PHP 1620 sya. Tapos wag mo kakalimutan receipt mo.
➡️ After that, check-in ka na sa airline counter then proceed to immigration.
➡️ Singit mo lang magpapalit ka ng PHP to HKD sa airport natin, pero yung worth HKD 150 lang para sa Octopus Card mo. Mas matino ang palitan sa HKG kesa dito satin, tapos gora ka na sa immigration.
➡️ Hingi ka sa guard nung immigration card, fill out mo yun as completely as possible tapos pakita mo sa IO pag ikaw na yung nasa counter kasama ng passport mo at boarding pass.
➡️ Kalma lang sa immigration bes, dapat smart ka lang. Basic lang mga tanong nila like san ka nagwowork, sino kasama mo, san ka magsstay and kelan ka babalik ganern. Pag keri na, tatatakan na nya yung passport mo. Intay ka nalang ng boarding sa boarding gate mo.

5:30 AM
✈️ Larga na si 5J flight bound to HKG. While in flight, may ibibigay si ateng at kuyang flight attendant na arrival cards, again, fill it out as completely as you can lalo na yung address ng pag-sstayan mo. Hihingin yan sayo ng IO pagdating mo ng HKG.

7:40 AM
➡️ Touch down Hong Kong bes! Derecho agad sa train papuntang Immigration pagka baba ng plane, kung wala ka namang checked-in baggage.
➡️ Pag dating mo sa Immigration, syempre pipila ka ulit. Hindi naman matanong ang IO don, unlike ditems saten. Basta kumpleto arrival card beshy, pak na yan. Bibigyan ka na nya nung papel na may pangalan mo at date kung hanggang kelan ka pwede sa HKG. Wag mo iwawala.

8:15 AM
➡️ Hanap-hanap ka na ng bibilhan mo ng Octopus Card, any information counter. That will cost you HKD150. Yung HKD 50 ay deposit mo, tapos yung HKD 100 yun yung load ng card mo. It lasted me 3 days, actually. Tapos nag reload nalang ako kasi ginamit ko pa siya sa McDonald’s. Kung bet mo naman na may pasouvenir kang Octopus Card eh you can get it via Klook here. Mura lang sya bes!
➡️ Pagkanakuha mo na si Octopus Card mo, lakad lakad ka na ulit at hanapin ang A21 bus. Malapit naman sya, hindi mahirap hanapin. Tapos tap tap lang si Octopus Card then sakay na ng bus, mas masaya daw sa 2nd floor, try mo. Damage is HKD 33, kung sa Nathan Road ka bababa. That is stop 14, para malapit na sa Chung King Mansion. Mga 45 minutes ang byahe.

9:00 AM
➡️ Baba ka na sa Nathan Road, stop 14. Tapos hanapin mo na si Chung King Mansion. Maraming locals don, at Indians. Mukha silang creepy pero wala naman silang pake sayo more than offeran ka ng hotel / inn / hostel at a loooow, loooooooow price.
➡️ Pero dahil booked ka na sa Cebu Hostel, pasok ka na sa Chung King Mansion, derecho hanggang dead-end tapos kanan, pagka-kanan mo, lakad kang konti tapos kanan ulit sa may elevator ng Block E. Sakay ka tapos baba ka sa 3rd Floor. Cebu Hostel must be on your right.
➡️ Check-in time is 1:00 PM so very early ka pa beshy, pede ka naman magdoorbell na at mag-iwan ng gamit sa kanila, balik ka nalang mamaya. In our case, pinagkatiwala namin yung luggage namin sa kapitbahay ni Cebu Hostel, kasi walang tao sa hostel non. Syempre dala lang namin yung mga importanteng bagay like cash and passport, puro damit naiwan sa luggage. Mabait naman sila, at walang nawala samin. Iniwan namin yung luggage sa kanya, then gumora na kami pababa para magpapalit ng PHP to HKD at nagstart mag lamyerda!

10:00 AM
➡️ Nagbreakfast muna kami sa McDonalds kasi gutom na kami beshy! Masaya ang McDo sa kanila, napahinga rin naman sa chicken fillet.
➡️ Pagka-breakfast gumora na kami sa Sky100. Saglit lang sya sa MTR pero bes, ang walkathon ay bonggang bongga talaga!

11:30 AM
📍 Sky100 Observation Deck via Klook. Book discounted tickets here: https://goo.gl/GbJazp
➡️ Picture-picture, keme keme. Ikot-ikot, kunware hindi sumakit tenga ko sa bilis ng elevator from lower grounds pataas ng 100th floor besh! Kita mo ang buong Hong Kong, panay building.
➡️ Pagnaumay ka na sa building, balik ka na sa Tsim Sha Tsui kung saan nadon ang Chung King Mansion, take the MTR.

1:00 PM
➡️ Nakabalik na kami sa Cebu Hostel at nagcheck in.
➡️ Freshen up ng very light, pahinga ng konti and on to the next destination.

3:00 PM
📍 Victoria Peak via the Peak Tram via Klook. Book discounted tickets here: https://goo.gl/wfC94Q
➡️ Kung nakakapagreklamo ang aking tenga eh nagreklamo na sya, bugbog sya today dahil mula sa plane hanggang sa Sky100 hanggang sa Peak Tram, sumakit sya sa taas ng mga lugar!
➡️ Di ko kinaya ang Victoria Peak bes. Nanlambot ang tuhod ni ati! Ang taas tapos ang mga turista, si selfie dito selfie jan. Pag yang mga telepono nyo nalaglag, ay jusko beshy! Pero ang view? Bes, literal na it took my breath away.
➡️ Syempre dahil ang duwag ko, bumaba din kami agad kahit sana eh magiintay kami ng sunset. Balik na sa Tsim Sha Tsui.

6:00 PM
🚆 Back to Tsim Sha Tsui. Tapos lakad lakad lang kayo, punta kayo don sa Victoria Harbour, di namin yung pinuntahan kasi naman pagod na ko beshy eh Disneyland pa tomorrow, so pahinga na ko pero naglakad lakad pa kami ng very light at kumain ng dinner syempre.

9:00 PM
✅ Lights-off na bes, mahabahabang lakaran nanaman bukas sa paghuhunt kay Mickey at Minnie.

Day 2 – 9:00 AM to 9:00 PM
📍Disneyland via Klook. Book discounted tickets here: https://goo.gl/aYM999
➡️ Indeed the happiest place on Earth! Super saya bumalik sa pagkabata dito beshy.
➡️ Bring water bottle or tumbler, yung tropa ko dala dala yung Nature Spring nyang bote galing Pinas! HAHAHA. Mahal ang tubig, nasa HKD 38.
➡️ For sure aabutin ka ng lunch dito at hindi ka naman para lumabas pa at bumili kaya kahit medyo mahal, G na bes. Star Liner Diner sa Tomorrowland ang cheapest nila.
➡️ Hintayin ang fireworks beshy! That is what makes this place the happiest place on Earth.

9:00 PM
🚆 Balik na ulit sa Tsim Sha Tsui pero kung may energy ka pa, mag lamyerda ka pa ulit! Mag dinner din muna beshy ha. We tried going sa Ladies Market pero kasi hanggang 12:00 AM lang sila so medyo bitin ang oras. Sleep nalang kayo, para may energy ulit bukas.

Day 3 – 9:00 AM
📍 Ngong Ping 360 via Klook. Book discounted tickets here: https://goo.gl/bkUx6d
➡️ Eto yung second best experience next to Disneyland for me. Yung cable car? Ang saya, nakakatakot, nakakapraning, basta! ang saya nya. Pero yung akyat paakyat sa pagkalaki-laking Buddha? Bes!! Pinagsisisihan ko talaga yon. Di kasi ako mahilig sa mga ganon kaya di ko naenjoy pero keri lang.
➡️ Take the cable car both papunta and pabalik, chismis has it, nakakahilo daw mag-bus pabalik.

11:00 AM
📍 Hong Kong Ocean Park booked via Klook. Get your discounted tickets here: https://goo.gl/Fv3Gxq
🚆 Take the MTR again papunta naman sa Ocean Park.
➡️ Pwera biro, I rated Ocean Park 1-star sa Klook! Maybe kasi nag Disneyland kami before Ocean Park, kaya di ko sya naappreciate pero eto yung worst part ng trip namin. Di na ko babalik dito at wala akong pake kung pede ang selfie stick sa inyo, di parin ako nag-enjoy.
➡️ Payat yung Panda. Nakakaawa.

3:00 PM
🚆 Back to Tsim Sha Tsui kami. Sabay kami mag Ladies Market ng tropa in the evening.

6:00 PM
🚆 MTR from Tsim Sha Tsui to Ladies Market – Balik mo na yung Octopus Card mo para makuha mo yung deposit na HKD 48 yata yun kasi may fee tapos kung magkano man ang natitirang laman pa ng card mo, bili ka nalang ng single journey pag need mo mag MTR.
➡️ Kahit wala kang kasalanan, humingi ka ng tawad at patatawarin ka ng mga very friendly (at take note, sa dami ng Pinoy sa HKG, nagtatagalog na din sila) na mga sellers sa Ladies Market. Ibibigay nila sayo yung bet mo sa price na gusto mo, wag ka lang umalis. HAHA
➡️ Yung souvenir shirts nakuha namin ng 8pcs for HKD 100. Yung mga magnet at HKD 25 for 5pcs. Tapos may nabili din kaming 64GB na flash drive na mga characters like Mickey, Minnie, Minions, Avengers mga ganun at HKD 12 each! Bes, halos PHP 70 lang sa pera natin yon tapos 64GB.
➡️ Wag kakalimutan kumain ng egg waffle at milktea!

12:00 AM
🚆 Back to hotel at baka maiwan ka na ng eroplano mo bukas sa sobrang pagod.

Day 4
✈️ Flight Back to MNL
➡️ Pwede na ang cash sa bus, that is HKD 33 since wala ka nang Octopus Card.

We did enjoy Hong Kong so much, given that this is our first international trip together. To know more about our experience (reviews about the parks and hostels, more tips, etc) read my story here: https://goo.gl/VqMoZj

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s