Last Shot, Ayoko Na

13567340_10201778493501829_5603374453635927187_n

Sa bawat lagok ng isang basong alak, naalala ko kung saan tayo pumalpak.
Muntik na, naandon na, konti nalang sana, pero bumitaw ka pa.
Bumitaw ka pa kasi sabi mo hindi mo na kaya.
Gusto kitang tanungin kung saan, kung alin. Bakit? Bakit hindi mo na kaya?
Saan ka ba nahirapan? Nahirapan ka bang isipin kung kailan mo ulit ako sasaktan? Nahirapan ka bang isipin kung kailan mo ulit ako iiwan?
Nahirapan ka bang isipin kung ano pang idadahilan mo para hindi na ako mang gulo? Saan, saan ka nahirapan? Kasi ako kahit minsan, hindi mo narinig sakin yan.
Hindi mo ako narinig magreklamo kahit puro pasa na ang katawan ko dala ng sampal at sakal mo.
Hindi mo ako narinig magreklamo kahit gabi-gabi namumugto ang mga matang ito.
Hindi mo ako narinig magreklamo kahit lahat na ata ng mura sa mundo, narinig ko na sa bibig mo.
Hindi mo ako narinig magreklamo. Hanggang ngayon, hanggang dito sa dulo, wala kang maririnig sakin.
Eto lang, huli na ‘to, Tigilan mo na ko. Teka, umiikot pala ang baso, tigilan mo na ko.

Tig-ilan pa ba tayo? Eto, last shot, para sayo.

Advertisements

Leave a Reply