Labindalawang Minuto Makalipas ang Ala Una

Untitled-1

Hayaan mong ngayon ko ilahad ang mga nararamdaman kong hindi mabanggit ng aking labi, ngunit hindi bulag ang puso ko para hindi makitang ikaw ang tinitibok nito.
Hayaan mong ngayon, sa oras na ito ko sabihin sayong hindi ko na yata kakayaning mawala ka sa akin kahit alam kong isang malaking katangahan ang angkinin ka dahil wala naman akong karapatan.
Hayaan mong ngayon, malaman mo na na ikaw ang dahilan ng bawat ngiti ko, ikaw ang dahilan ng bawat pagtawa ko sa kabila ng isang mundong nababalot ng lungkot at pangungulila.
Pangungulila sa taong magmamahal at mamahalin. Mamahalin ng wagas, mamahalin ng walang hinihinging kapalit.
Hayaan mong sa mga oras na ito, magkaroon ako ng lakas ng loob para sa akin mismo mang galing na ang mga salitang hindi ko alam kung ikatutuwa mo o ikatatakot mo.
Ikatatakot ko dahil alam ko namang hindi rin ganito ang nararamdaman mo, hindi ako ang para sayo at wala namang halaga lahat ng bagay na ito sa buhay mo.
Sa mga oras na to, malamang hindi ako ang nasa isip mo, pero gusto kong malaman mong ngayon, habang sinusulat ko ang kathang ito, iniisip kita.

Mahal na kita sa paraang alam kong tama, mahal na kita sa paraang sigurado akong mali. Mahal na kita sa paraang magulo, sa paraang walang kasiguraduhan, sa paraang hindi natin matatanggap. Mahal na kita sa paraang alam kong walang patutunguhan, sa paraang alam kong panandalian lang. Mahal na kita sa paraang hindi mapapanindigan, hindi dapat ipaglaban. Mahal na kita, at patawad dahil minahal kita sa paraang alam kong tama pero hindi tama.

Iniisip ko na pagkatapos ng oras na ito, tatantanan ko na ang kahibangan na baka bukas, sa parehong oras, ikaw naman ang maglahad ng mga saloobing hindi mo maipakita, hindi mo masabi. Hayaan mong sa mga oras na ito, magkaron ako ng lakas nang loob na sabihing mahal na kita.

Anong oras na? Labing dalawang minuto makalipas ang ala una.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s