Kapit Lang

13450171_10201747761173540_6261371610505237995_n

Hanggang kailan ka ba dapat kumapit sa katiting na pag asa na balang araw, mararamdaman din nya ang pagibig na hindi mo masabi?
Hanggang kailan ka ba dapat kumapit sa isang bagay na hindi mo alam kung papaano mo papangalanan?
Hanggang kailangan ka ba kakapit sa mga tawanan nyong nagiging paborito mong tunog? Hanggang kailan ka ba kakapit sa mga matatamis nyang salita at mas matatamis na pag titig na wala namang ibig sabihin?
Hanggang kailan ba kayo kakapit sa katahimikan ng isang bagay na walang kasiguraduhan?
Hanggang kailan ka ba kakapit sa takot na baka pag nilinaw mo ang lahat, lalong lumabo? Hanggang kailan ka ba kakapit sa pagka duwag?
Hanggang kailan ka ba kakapit sa pagbubulag bulagan?

Hanggang kailan? Hanggan kailangan.

Advertisements

Leave a Reply