Tuldok: Isang Mahabang Paghinga

12705604_569365456550473_841826612901722246_n

Ilang taon na nga ba ang relasyon ni Popoy at Basha ng maghiwalay sila? Naghiwalay sila para mahanap ang mga sarili nila na nawala nung mahalin nila ang isa’t isa. Naghiwalay sila para makabalik sila sa isa’t isa. Buo, walang kulang. Buo, walang sumbatan. 

Si Ginny at Marco, natatandaan nyo pa? Naghiwalay din sila, tapos nagkita ulit sila, para palayain ang isa’t isa. Nagkita ulit sila para matapos na yung mga bagay na hindi nabigyan ng tuldok. Nagkita ulit sila para maghiwalay, pero sa pangalawang paghihiwalay, naghiwalay sila ng maayos, naghiwalay sila at tinanggap nila na hindi sila para sa isa’t isa.

May mga bagay talaga na kailangan mong tuldukan para makapagsimula ulit. Mga tanong na walang sagot, mga sagot na hindi mo maintindihan. Hindi madali na alisin ang isang bagay na nakasanayan mo na sa buhay mo, hindi madali na gumising ka bukas, na bago na ang lahat. Pero sa bawat “tapos” ay may bagong “simula”. Sa bawat simula ay bagong pag-asa, bagong paniniwala, bagong buhay. Mahirap, pero hindi pwedeng hindi mo pag daanan.

Siguro, minsan, kailangan mo rin talagang huminga. Huminga ng malalim at sabihin sa sarili mo na isang araw, magiging maayos din ang lahat.

Sa paghihiwalay nyo, hanapin nyo ang mga sarili nyo na nawala nung mahalin nyo ang isa’t isa. Gawin nyo muna yung mga bagay na hindi nyo nagawa nung maging kayo. Sa paghihiwalay nyo, sana makita nyo yung mga taong hindi kayo iiwan at hindi rin mawawalan ng pagasa na isang araw, mas magiging maayos kayong dalawa, magkasama man o hindi na. Sa paghihiwalay nyo, umiyak kayo. Sa paghihiwalay nyo, iwanan nyo narin lahat ng ugali na nakakapanakit sa isa’t isa. Iwanan nyo narin lahat ng sakit, ng sumbat, ng sama ng loob.

Para isang araw, pag nagkita kayo, malay nyo, maging maayos ang lahat. Gaya ni Popoy at Basha, baka maging kayo parin hanggang dulo. Pero kung isang araw, pinagtagpo kayo para ayusin ang mga bagay na nagulo, para maayos na maghiwalay, mas matatanggap nyo.

Bawat simula, may dulo. 
Bawat dulo, may bagong simula. 

Naniniwala akong hanggat hindi pa “happy”, wala pa yung “ending”. 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s